HIGIT 1-K POLL HOTSPOTS NAITALA NG COMELEC

COMELEC12

UMABOT na sa 1,196 ang itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na election hotspots kung saan nadagdagan pa tatlong araw bago ang eleksiyon sa Lunes.

Sinabi ng Comelec na ang bagong listahan ay sumasaklaw sa National Capital Region, Luzon at Visayas at inirekomenda ng Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel base sa official report mula sa lahat ng regional joint security control centers.

Ang lahat ng lugar sa Mindanao ay nauna nang inilagay sa ilalim ng election hotpots bilang category red (areas of grave concern).

Kabilang sa mga nasa ilalim ng Comelec control ang Daraga City, Cotabato City at Moises Padilla town.

Ang mga lugar ay agad na isinailalim sa Comelec control dahil sa mga nauna nang naganap na karahasan sa politika.

Sa 1,196 na lugar na deklaradong hotspots, 85 dito ang nasa category red (areas of grave concern).

Umaabot naman sa 706 lugar ang nasa category green (peaceful and orderly), habang ang nalalabing lugar ay category yellow (areas of concern) o orange (areas of immediate concern).

139

Related posts

Leave a Comment