1,322 RECIPIENT NG CONFI FUND NG OVP PEKE RIN

MAHIGIT isang libong recipient o nabigyan umano ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ang kalahating bilyong piso ay walang record sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ang report ng PSA sa Kamara noong December 11, matapos atasan ng House committee on good government and public accountability na beripikahin ang 1,992 indibidwal na lumagda ng acknowledgement receipt (AR) na patunay na nakatanggap ang mga ito ng confidential funds sa OVP.

Base sa PSA report, kahapon lamang inilabas ng komite, 1,322 sa 1,992 ay walang makitang record hinggil sa kanilang kapanganakan; 1,456 ang walang marriage record habang 1,593 naman ang death record.

Dahil dito, 399 lamang ang may record sa PSA subalit pinaniniwalaang may kapangalan lamang ang mga ito sa PSA kaya nais malaman ng komite kung nakatanggap ang mga ito ng confidential fund sa OVP.

“This certification from the PSA leaves little doubt—if these names cannot be found in the civil registry, it strongly suggests they do not exist. The ARs may have been manufactured to justify the disbursement of confidential funds,” ayon kay Manila Rep. Joel Chua, chair ng nasabing komite.

Kamakailan lang ay ipinaberipika rin ng komite sa PSA ang 677 indibidwal na nabigyan umano ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) na nagkakahalaga ng P112.5 million bukod kina Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin subalit 405 dito ay walang birth, marriage at death record. (BERNARD TAGUINOD)

12

Related posts

Leave a Comment