VILLAR NAGHATID NG KASIYAHAN SA MGA BATA NG BASECO

NAGHATID ng kanilang tradisyonal na gift-giving ang pamilyang Villar, sa pangunguna nina Senators Cynthia at Mark Villar, sa 50 batang mula Baseco, Tondo, na ginanap sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City noong Sabado.

“Malapit sa puso namin ang Tondo dahil diyan lumaki ang aming ama, kaya hindi namin kayo makakalimutan,” sabi ni Senator Mark Villar.

Ang mga bata mula sa Tondo, Maynila, ay dinala sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City para sa selebrasyon.

Dahil madalas bisitahin ang Baseco bago mag-pandemya, alam ni Senadora Cynthia ang kwento ng mga bata roon. Sinabi ng senadora na layunin nilang maghatid ng kasiyahan ngayong

Kapaskuhan kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya Villar.

“We hope through this celebration, we are able to spread joy to the kids and their families this holiday season,” sabi pa ng senadora.

Umaasa ang pamilyang Villar na makakalikha ng magagandang alaala ang mga batang Baseco na magbibigay sa kanila ng mga ngiti sa mga oras na kanilang ginugol kasama sila. (DANNY BACOLOD)

101

Related posts

Leave a Comment