(NI HARVEY PEREZ)
MAY 266 preso sa Manila City Jail (MCJ), ang nakaboto sa inilagay na special polling precinct ng Commission on Elections (Comelec) sa ginanap na midterm elections, Lunes ng umaga.
Ganap na alas 8:30 nang magsimula ang pagboto ng mga inmates at natapos ala 1:30 ng hapon sa Chapel ng MCJ.
Ang mga nakabotong inmates ay iyong mga nakapagparehistro sa itinakdang registration period ng Comelec noong nakalipas na taon.
Ayon kay JCapt Jay Rex Bustanera, ang nabanggit na pagboto ng mga preso ay inobserbahan ng mga kinatawan ng Comelec, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Commission on Human Rights (CHR) kung saan tanging mga kandidato lamang sa pagka-senador ang kanilang ibinoto.
Nalaman na ang mga boto ng inmates ay dinala sa pinakamalapit na polling centers para doon ipasok sa vote counting machines.
148