FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST PASOK SA MAGIC 7 NG SWS SURVEY

PATULOY ang malakas na suporta sa masa ng FPJ Panday Bayanihan Partylist nang malagay ito sa ikatlong pwesto batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Ang FPJ Panday Bayanihan partylist, na pinamumunuan ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, ay nakakuha ng 2.45 porsyento, na nagtitiyak ng kahit isang pwesto kung magaganap ngayon ang halalan.

Kasama ni Poe bilang pangalawa at pangatlong nominado ng partido sina Mark Patron, isang lokal na lider na may matibay na panata sa pampublikong serbisyo, at Hiyas Dolor, maybahay ng Gobernador ng Oriental Mindoro na si Humerlito “Bonz” Dolor.

Sa walong partylist na nanguna sa survey ng SWS, ang FPJ Panday Bayanihan lang ang walang kasalukuyang representasyon sa Kongreso.

Isinagawa ang survey noong Enero 8 hanggang 11, kasama ang 2,400 na mga respondent at may plus/minus margin of error na 1.96 porsyento.

“Taos-pusong pasasalamat sa ating mga kababayan para sa kanilang walang kapantay na suporta at tiwala. Pinalalakas nito ang aming determinasyon na higit na mapabuti ang aming mga inisyatiba sa pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng mga hakbang na lehislatibo na nagpapalago sa buhay ng mga kapwa nating Pilipino,” sabi ni Poe.

Nagsimula ang paglalakbay ng FPJ Panday Bayanihan noong 2013 nang salantain ng Bagyong Maring ang bansa, at higit sa isang dekada na itong nagbibigay ng tulong at pag-asa sa mga nangangailangan.

Patuloy itong humuhugot ng inspirasyon mula sa legasiya at rekord na iniwan ni Fernando Poe Jr., na nakatutok sa pagkain, progreso, at hustisya para maiangat ang buhay ng mga nasa laylayan ng lipunan, saad pa ni Brian Poe.

May kabuuang 156 na grupo ng party-list ang tumatakbo para sa puwesto sa kongreso sa halalan sa Mayo 2025.

10

Related posts

Leave a Comment