PINAS MAY PINAKAMATAAS NA KASO NG BREAST CANCER SA ASYA

NANGUNGUNA ang Pilipinas sa pinakamaraming kaso ng breast cancer sa buong Asya habang ika-siyam naman sa buong mundo.

Dahil dito, nanawagan si Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas sa gobyerno na maging pro-active sa pagsugpo sa breast kasabay ng paggunita sa World Cancer Day ngayong araw, Pebrero 4.

“According to the Philippine Society of Medical Oncology (PSMO), three out of 100 Filipino women can develop breast cancer before they reach the age of 75,” ayon sa mambabatas.

Maliban dito, lumabas din aniya sa report ng nasabing organisasyon na ang 16 percent sa mga iba’t ibang uri ng cancer ay breast cancers kung saan walong porsyento sa mga ito ay nasasawi dahil sa nasabing sakit.

Kasabay nito, umapela ang mambabatas sa Kongreso partikular na sa House committee on health na ipasa na ang kanyang House Bill (HB) House Bill 3500 o “An Act Establishing a Mammography and Breast Cancer Center in Novaliches” upang mas maraming kababaihan aniya ang matulungan at maiiwas sa nasabing sakit.

Hindi lamang aniya ang mga taga-Quezon City ang matutulungan para sa murang breast cancer screening, diagnosis, treatment services, kundi ang mga karatig lugar kapag naitatayo ang nasabing pagamutan.

Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil alam umano nito ang nararamdaman ng mga kaanak ng mga cancer patients dahil ang kanilang ina ay namatay aniya sa nasabing sakit ilang taon na ang nakararaan.

“Having experienced it firsthand, we understand the emotional, physical, and financial toll that the disease takes in every affected family. As lawmakers, we are in a vantage point where we can champion stronger policies that ease the struggles of cancer patients and their loved ones,” ayon pa kay Vargas.

Sanhi nito, hiniling nito sa nasabing komite na bigyang prayoridad ang nasabing panukala upang maisalba ang mga may breast cancer at maalis sa listahan ang Pilipinas na may pinakamaraming kaso ng nasabing sakit sa buong Asya. (BERNARD TAGUINOD)

3

Related posts

Leave a Comment