NANUMPA sa kani-kanilang tungkulin ang mga bagong opisyal ng Philippine Agricultural Journalist Inc. (PAJ) kay Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Niña Taduran nitong Miyerkoles ng umaga.
Nag-pledge ng commitment at unity para gampanan nang buong husay ang kani-kanilang posisyon ng mga bagong opisyal ng PAJ. Nagpahayag din ang grupo ng kanilang kahandaan para ipatupad ang mission at vision ng PAJ na may kaakibat na dedication para makatulong sa ninanais ng pamahalaan na magkaroon ng sapat na pagkain sa bawat hapag kainan.
Ang Induction Ceremony ay ginanap sa Emancipation Lounge ng Department of Agrarian Reform sa Diliman, Quezon City.
Ang mga bagong opisyal ng PAJ ay sina Raymund Junia bilang Presidente; Mer Layson, Vice President for Internal; Diego Cagahastian, Vice President for External; Maria Ruby Lumongsod, Secretary; Yovina-Claire Pauig, Asst.Secretary; Inez Magbual, Treasurer at mga directors na sina Fermin Diaz, Ma. Evelyn Castino-Quilas, Pamela Mappala, Carolina Bermudez Manzano, Freddie Lazaro, Rommelda Batocabe, at Conrad Carino.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)