Hirap matukoy dahil ‘high-tech’ na KORUPSYON SA BUWIS MAS LUMALA

(JULIET PACOT)

BINANATAN kahapon ni Ex-Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang mga bagong estilo ng katiwalian sa buwis sa Pilipinas.

Aniya, kailangan nang paunlarin ang sistema ng pagbubuwis sa bansa.

Mas nagiging tuso umano at mahirap nang matukoy ang mga bagong estilo ng korupsyon, kaya’t dapat itong bantayan at labanan.

Kasabay nito, iginiit niya na malaking tulong naman ang teknolohiya sa pagpapahusay ng pangangasiwa ng buwis at transparency.

Tinalakay rin ni Justice Leonen ang digital na reporma sa hudikatura sa pamamagitan ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 at eCourt PH 2.0 na layong gawing digital ang proseso ng korte upang mapabilis ang paglilitis at mapabuti ang access sa hustisya.

87

Related posts

Leave a Comment