MAHIGIT 1,300 pulis ang sinibak sa serbisyo bilang bahagi ng pinaigting na internal cleansing drive ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa inilabas na datos ng PNP, nasa 1,307 personnel ang na-dismiss matapos maresolba ang libo-libong administrative cases mula Agosto 26, 2025 hanggang Hulyo 15, 2026.
Bukod sa mga nasibak, 237 ang nademote at 2,108 ang nasuspinde, habang ang iba ay pinatawan ng forfeiture of salary at reprimand.
Sa kabuuan, 4,534 personnel ang napatawan ng administrative penalties matapos maresolba ang 3,903 administrative cases.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., patunay ang mga bilang na seryoso ang PNP sa pagpapanagot sa mga lumalabag sa loob ng organisasyon upang mapanatili ang integridad ng institusyon at tiwala ng publiko sa pulisya.
(TOTO NABAJA)
89 