P370-M LUXURY CARS KINUMPISKA NG CUSTOMS

ININSPEKSYON ng Bureau of Customs (BOC) Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), sa pangunguna ni Chief Alvin Enciso ang nasamsam na mga luxury car na hinihinalang ipinuslit sa bansa nang walang wastong pagbabayad ng duties at taxes.

Ang operasyon ay naganap sa Makati City ngayong Lunes, Pebrero 17.

Ang mga nakumpiskang high-end na sasakyan, kabilang ang isang Ferrari 812 Superfast, isang Ferrari 488, isang McLaren 720S, isang Mercedes-Benz G63 AMG, at Bentley Bentayga, ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱370 milyon.

31

Related posts

Leave a Comment