TUMARGET KAY MAYOR JOEL RUMA, SNIPER– PNP

POSIBLENG sniper ang bumaril kay Rizal, Cagayan Mayor Joel Ruma na naging sanhi ng kanyang pagkamatay habang nangangampanya sa Barangay Iluhu sa nabanggit na bayan.

Ayon kay PNP Public Information Office chief, Police Col. Randulph Tuaño, lumitaw sa paunang imbestigasyon na may isang tama ng bala ng 5.56 caliber sa balikat ni Ruma at tinamaan din ang kanyang vital organ na tumagos sa katawan na nagresulta sa kamatayan nito.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isang putok ang narinig sa malayo na pinaghinalaang sniper na bumaril sa alkalde habang may narinig ding putok mula sa loob ng gymnasium na pinaniwalaang nakatama kina Merson Abiguel at Melanie Talay na pawang residente sa nasabing lugar.

Isinailalin naman sa paraffin at ballistic test ang apat na pulis na escort ni Mayor Ruma para malaman kung sila ay nagpaputok nang mangyari ang insidente.

(TOTO NABAJA)

13

Related posts

Leave a Comment