(NI DAHLIA S. ANIN)
WALA umanong dapat ipagduda ang publiko sa katatapos lang na midterm election, ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Sa panayam kay Agnes Gervacio, media director ng PPCRV, 99.98% umano ang accuracy ng naganap na eleksiyon.
Base sa obserbasyon ng libo-libong volunteers nila ay maayos ang kinalabasan ng eleksyon. Ngunit, Gayunman, bagama’t hindi pa perpekto ang automated election sa bansa ay maaari naman daw itong maisaayos.
Ang PPCRV ay nagsasagawa ng parallel unofficial vote counting ng mga boto.
Sila ang taga encode ng mga idedeliver na physical election returns sa kanilang headquarters na galing sa buong bansa.
Sinusuri nila ang resulta ng mga electronically transmitted votes mula sa vote counting machine at transparency server kung magkakatugma.
163