(NI NOEL ABUEL)
MANANATILING lider ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Senador Vicente Sotto III sa pagbabalik nito sa Senado.
Ito ay matapos na magkasundo ang Senate majority na huwag galawin o panatilihin sa kasalukuyang liderato ang Senado sa ilalim ng pamumuno ni Sotto.
“Yes. Well, the agreement was equity of the incumbent. It is the tradition anyway, unless one decides to relinquish his or her position or chairmanship, we support the equity of the incumbent rule,” sabi ni Sotto.
Idinagdag pa nito na walang sinumang senador ang nagpahayag ng pagkainteres na kuhanin ang pagiging Senate President.
Mismong si Senador Manny Pacquiao ang sinasabing nangumbinse sa mga bagong senador na sina Bong Go, Francis Tolentino at Bato Dela Rosa na suportahan ang pamumuno ni Sotto sa Senado.
“Well, that was how I gauged it because Manny Pacquiao was doing all the talking, siya ‘yung nagsabi na kasama namin silang tatlo, sabi niya, gusto natin suportahan pa rin ‘yung leadership ni Senate President Sotto, sabi niya. So, I think that is how I gauged everyone that night. Okay naman,” sabi ni Sotto matapos ang dinner ng mga ito kamakailan.
Samantala, nagkasundo umano ang nakararaming senador na ibigay kay Senador Sonny Angara ang Committee on Finance na iiwan ni Senador Loren Legarda.
“Ang personal choice ko sana for Committee on Finance na iiwanan ni Senator Legarda was Senator Lacson, Senator Recto but both of them have expressed reservations. So ang next choice namin ay and I think it is a majority choice, is Senator Sonny Angara,” sabi ni Sotto.
152