MINORITY BLOC SA KAMARA BUO NA

TATLONG linggo bago pormal na magsimula ang 20th Congress, buo na ang grupo ng mga mambabatas na tatayong minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inanunsyo ito kahapon ni 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan na muli umanong tatakbong minority leader kung saan 26 congressmen umano ang sumusuporta sa kanya kasama sina Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Chel Diokno at Leyte Rep. Richard Gomez.

Ayon kay Libanan, lumagda sa joint manifesto ang 11 first time at 6 na comebacking congressmen para sa tinatarget nitong posisyon sa 20th Congress na siya rin niyang puwesto noong 19th Congress.

“With confidence in his ability to lead with honor, wisdom, and dedication,” the manifesto declared, “we affirm our collective support for Rep. Libanan as minority leader,” nilalaman ng manifesto.

Kabilang sa 11 first time congressmen na magiging miyembro ng minorya sa 20th Congress sina Rep. Audrey Zubiri (3rd District, Bukidnon), Rep. Renee Louise Co (Kabataan), Rep. Niko Raul Daza (1st District, Northern Samar), Rep. Dadah Kiram Ismula (Akbayan), Rep. Christopher Sheen Gonzales (Lone District, Eastern Samar) Rep. Roberto Gerard Nazal Jr. (Bagong Henerasyon), Rep. Elijah San Fernando (Kamanggagawa), Rep. Jan Rurik Padiernos (Galing sa Puso) , Rep. Mary Girlie Veloso (Malasakit at Bayanihan), De Lima at Diokno.

Kabilang sa mga nagbabalik Kongreso na magiging minority bloc members sina Rep. Edgar Erice (2nd District, Caloocan City), Rep. Cielo Krisel Lagman-Luistro (1st District, Albay), Rep. Arlene Bag-ao (Lone District, Dinagat Islands), Rep. Jesus Suntay (4th District, Quezon City), Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers) at Rep. Terry Ridon (Bicol Saro).

Inaasahang magiging miyembro rin ng Minority bloc ang mga reelected congressmen tulad nina Rep. Percival Cendaña (Akbayan), Rep. Stephen James Tan (1st District, Samar), Rep. Reynolds Michael Tan (2nd District, Samar), Rep. Allan Ty (LPGMA), Rep. Sergio Dagooc (APEC), Rep. Presley De Jesus (PHILRECA), Rep. Jernie Jett Nisay (Pusong Pinoy) at Rep. Jonathan Clement Abalos II (4Ps) at Gomez.

Sa ngayon ay tahimik ang Kamara kung sino ang susunod na Speaker of the House subalit unang inanunsyo ng mga kaalyado ni Leyte Rep. Martin Romualdez na 287 congressmen na umano ang sumusuporta sa kanyang Speakership bid.

(BERNARD TAGUINOD)

42

Related posts

Leave a Comment