TINATAYANG mahigit 27,000 katao sa tatlong rehiyon ang apektado ng pinagsamang epekto ng southwest monsoon o “habagat” at Typhoon Bising (international name Danas).
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sa kanilang 8 a.m. report, araw ng Lunes, may 27,401 ang naitalang apektadong pamilya o 82,548 indibidwal mula sa 14 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region), Region 3 (Central Luzon) at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa oras ng ulat, sinabi ng NDRRMC na may dalawang pamilya lamang o 9 katao ang nanuluyan sa dalawang evacuation centers habang 1,017 pamilya o 3,002 indibidwal ang pinaglilingkuran at tinutulungan sa ibang lugar.
Nauna rito, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na ang mga apektadong pamilya ay kinabibilangan ng mga na-displaced dahil sa masama at masungit na panahon at iyong mga hindi na kinakailangan pang ilipat o alisin mula sa kanilang tahanan.
Samantala, sinabi ng NDRRMC na may 14 na bahay ang nasira, dalawa sa Region 3, classified ito bilang “totally damaged” at 12 sa CAR na inilarawan naman bilang “partially damaged.
Sa ngayon, wala pang natatanggap na report ang NDRRMC ukol sa halaga ng napinsala sa imprastraktura at agrikultura at maging bilang ng nasawi.
(CHRISTIAN DALE)
