P2.5-M MARIJUANA BRICKS NASABAT SA BAGUIO

UMABOT sa 21 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,520,000.00. ang nasabat ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency-CAR Regional Office chief, Director Derrick Carreon, sa Burnham-Legarda, Baguio City.

Ayon kay Director Carreon, dalawang drug personalities ang kanilang nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-CAR Baguio/Benguet at Mt. Province Provincial Office sa Burnham-Legarda, Baguio City nitong nakalipas na linggo.

Dito nakumpiska ng PDEA ang 21 dried marijuana bricks na P2.5 milyon ang halaga.

Ayon kay Carreon, isang 43-anyos na lalaki mula sa Bakun, Benguet at isang 52-anyos na lalaki mula Cabanatuan, Nueva Ecija ang nakipagtransaksyon sa kanilang ahente mula sa PDEA-Cordillera Administrative Region (CAR) Baguio.

At nang magpositibo ang operasyon, dinamba ng mga PDEA agent ang dalawa.

Nasa kustodiya na ng PDEA-Cordillera ang dalawang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga ito.

(JESSE RUIZ)

90

Related posts

Leave a Comment