PAGBUWAG SA KORUPSYON MALAKING HAMON KAY PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na bubuwagin ang katiwalian sa harap ng nabubunyag na ghost projects at pinagkakitaang flood control projects.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang social media post kung saan sinabi nitong maging sama-sama sana ang ginagawa ngayong paglaban sa korupsiyon.

Giit ng Pangulo, hindi niya palalampasin ang nalantad na iba’t ibang paraan ng katiwalian sa mga proyektong may kaugnayan sa baha.

Kaya ang panawagan ng Pangulo sa taumbayan ay ipagpatuloy lang ang pagpapadala ng impormasyon sa Sumbong sa Pangulo.

Sa kabilang dako, may bago na namang mensahe ang Pangulo sa mga taong nasa likod ng anomalya at ito ay ang “hindi na kayo nahiya.”

Kung noong SONA ay tila may himig pa ng pakiusap ang katagang “mahiya naman kayo,” sa pinakahuling post naman ng Pangulo ay sinabi nitong… Hindi na kayo nahiya!!!!

“Hindi na kayo nahiya! Hindi natin palalampasin ito. Ipagpatuloy ang pagpapadala ng inyong ulat sa sumbongsapangulo.ph. Sama-sama nating bubuwagin ang katiwalian,” aniya na may halong apela sa publiko.

(CHRISTIAN DALE)

49

Related posts

Leave a Comment