SINGIL NG MERALCO, POSIBLENG BUMABA NGAYONG SETYEMBRE

Magandang balita para sa mga customer ng Meralco dahil inaasahang bababa ang singil  sa kuryente ngayong Setyembre.

Ayon kay Joe R. Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang inaasahang tapyas sa singil ay dulot ng mas mababang generation charge—ang pinakamalaking bahagi ng kabuuang singil sa kuryente.

“May nakikita kaming posibilidad na bumaba ang kabuuang singil sa kuryente na sana ay makatulong sa aming mga customer,” ani Zaldarriaga.

Ang inaasahang pagbaba sa generation charge ay dahil sa paglakas ng Piso kontra dolyar, na nakaaapekto sa mga gastusin ng mga supplier ng Meralco na dollar denominated.

Natabunan nito ang cost recovery ng San Miguel Global Power para sa mga kinanselang kontrata, na pinayagan nang ipatupad ng Energy Regulatory Commission (ERC) simula ngayong buwan.

“Inaasahan namin na ang pagbaba ng generation charge ay makatutulong para mapababa ang kabuuang singil sa kuryente ngayong buwan,” dagdag ni Zaldarriaga.

58

Related posts

Leave a Comment