QUEZON – Tinatayang P163.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa tatlong high value drug personalities na nadakip sa isinagawang joint anti-narcotics operation noong Biyernes sa bayan ng Candelaria, sa lalawigan.
Ayon sa ulat na ipinararating kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani Nerez, umabot sa 25 kilos ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P163.2 milyon.
Isinagawa ang pinagsanib na buy-bust operation ng PDEA National Capital Region, PDEA RO4A, Quezon Police Drug Enforcement Unit (PDEU), at Candelaria Police Station noong Sabado ng gabi sa Purok 2 sa Barangay Masin Norte, Candelaria matapos ang ilang araw na surveillance at case build-up operation.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jack”, 42, magsasaka; “Nor”, 31, magsasaka; at “Anor”, 43, tricycle driver.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang isang itim na Toyota Fortuner, dalawang analog phones, isang Android phone, at iba’t ibang identification cards.
Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Sections 5 (Selling of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs), ng Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(JESSE RUIZ)
183 