LUCENA CITY – Patay ang isang delivery rider matapos mahulog ang minamanehong motorsiklo sa ilog sa Barangay Ibabang Talim sa lungsod.
Kinilala ang biktimang si “Manuelito”, 36-anyos, residente ng Barangay Cotta, Lucena City, at empleyado ng J&T Express.
Ayon sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima bandang alas-9:00 ng gabi noong noong Sabado, Oktubre 11, habang tinatahak ang tulay sa Barangay Salinas patungong Barangay Cotta ngunit nahulog ito sa ilog.
Natagpuan ang kanyang bangkay makalipas ang dalawang araw, dakong alas-6: 30 ng umaga noong Lunes, sa pampang ng ilog sa Purok Ligaa, Barangay Ibabang Talim.
Unang narekober ang kanyang motorsiklo sa ilog ng Barangay Salinas.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, walang nakitang palatandaan ng foul play sa insidente.
(NILOU DEL CARMEN)
90
