CAVITE – Tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang high value individuals (HVIs) sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi.
Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Provincial Office (CAV PPO) at Dasmariñas Component City Police Station (CPS) na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “BI” at “Ge”.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P680,000.00, buy-bust money at isang android cellular phone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).
(SIGFRED ADSUARA)
74
