P115.6-M YOSI NASABAT NG BOC SA CEBU

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs o BOC-Port of Cebu at Philippine Coast Guard Intelligence Group-Central Visayas ang tinatayang P115.6 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo sa isinagawang operasyon nitong Mayo.

Sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sinuri ng mga awtoridad noong Mayo 11 ang dalawang container van na naglalaman ng mahigit 1,400 master cases ng hinihinalang smuggled cigarettes, kabilang ang Modern at Nise Baisha brands.

Ayon sa BOC, aabot sa mahigit 14 na milyong stick ng sigarilyo ang laman ng nasabing mga container.

Nag-ugat ang operasyon sa intelligence information na pinagtulungan ng BOC-Customs Intelligence and Investigation Service at PCGIG-CV.

Nagpalabas naman ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC noong Mayo 22 dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Samantala, nasabat din ng Subport of Mactan sa Mactan-Cebu International Airport ang 200 vape pod cartridges mula sa isang South Korean traveler, na nagkakahalaga ng mahigit P66,000.

(JOCELYN DOMENDEN)

69

Related posts

Leave a Comment