DEATH TOLL SA NAG-COLLAPSE NA GUSALI 4 NA, 17 MISSING

HANGGANG kahapon ay nagkukumahog ang mga search and rescue team sa paghahanap ng mga posibleng buhay pa sa ilalim ng guho ng itinatayong hotel sa Angeles City, kasunod ng ulat na may 17 pang construction workers ang nawawala at hinihinalang natabunan ng nag-collapse na gusali.

Sinasabing umakyat sa apat ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali habang 17 katao pa ang pinaniniwalaang missing, ayon sa mga awtoridad.

Habang sa ibinahaging update ng National Disaster Risk Reduction Management Council: “As per reports from OCD III, a total of 47 individuals were affected by the incident, of which 26 were rescued, 18 are still reported missing/unaccounted and three (3) reported dead, casualties are still for validation. ”

May signs of life umanong na-detect sa ilalim ng guho kaya nakikipaghabulan kay ‘kamatayan’ ang rescuers para mailigtas ang mga nawawalang manggagawa mula sa nag-collapse na gusali sa Angeles City.

Karamihan umano ay mga construction worker na natutulog sa itinatayong gusali nang maganap ang sakuna, ang mga nanatiling missing.

Malungkot naman ang sinapit ng dalawang nasawing manggagawa na nadiskubreng pawang buhay pa na nakaipit sa ilalim ng wreckage habang pinagsisikapang mailigtas ng rescuers

“The first of the two was pulled out alive, but unfortunately, his body gave out and he did not survive. Doctors could not resuscitate him,” ani Regional Fire Bureau Spokeswoman Maria Leah Sajili.

Habang ang isa pa ay nakaranas ng cardiac arrest bandang alas-3:00 ng madaling araw, hindi siya maasistihan ng mga doktor dahil nanatiling nakaipit ang katawan nito.

Isang Malaysian guest naman ng katabing hotel ang inulat na nasawi nang tamaan ang kanilang tinutuluyang hotel nang bumigay ang ginagawang nine-story structure noong Linggo ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pag-collapse ng construction project. Ayon kay Sajili, fire bureau spokeswoman, “Rescue in (a) building collapse is very challenging since any sudden shift triggered by the movements of our rescuers can cause areas to move and people under can get crushed”. Posible rin umanong malibing nang buhay ang rescuers kaya kailangang dahan-dahan o mano-mano ang pag-angat ng mga debris.

Nakatakda umanong gamitan ng proof of life apparatus ang lugar. Oras na wala nang survivors na matatagpuan ay dito na papasok ang mechanical diggers at iba pang heavy equipment para maalis ang mga debris at makuha ang mga bangkay.

(JESSE RUIZ)

79

Related posts

Leave a Comment