‘LANDMARK PROJECTS’ KASADO SA MAYNILA — PBBM

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas marami pang proyekto ang ilulunsad ng pamahalaan upang maibalik ang ganda at buhay ng mga ‘landmarks’ ng Maynila, kasabay ng pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Pasig River.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa paglulunsad ng “Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM)” Pasig River Urban Development Project Phase 4 sa Metropolitan Theater, kung saan kanyang ibinahagi ang mga planong magpapabago sa mukha ng kabisera.

Ayon kay Marcos, nagkaroon siya ng produktibong pag-uusap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso hinggil sa mga key projects na magpapasigla sa lungsod.

“First is the planned conversion of Intramuros Golf Course into an Open Green Space, providing more breathing room in the heart of the city while at the same time preserving the historic charm of Intramuros,” ani Marcos.

Kasama rin sa mga proyekto ang pagsasaayos ng Plaza Calderon at pagpapaganda ng Lawton Underpass upang mas maging walkable ang lugar at mapabuti ang access papunta sa Esplanade at kahabaan ng Pasig River.

“These redevelopment efforts are part of a larger vision to create a culturally rich urban environment where history, nature, and modern living come together,” dagdag ng Pangulo.

Bilang bahagi ng modernisasyon ng Pasig River, inanunsyo rin ni Marcos ang paglulunsad ng M/B Dalaray — ang kauna-unahang locally designed at fabricated electric ferry ng bansa na kayang maglayag ng hanggang tatlong oras sa ilog.

Ang proyektong ito ay ginawa sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) at layong magsilbing environment-friendly transport option upang buhayin muli ang Pasig River.

“This marks a clear step toward clean mobility and reduced emissions. We are also exploring new technologies that will help clean the river,” saad pa ng Pangulo.

Kabilang sa mga bagong teknolohiyang ito ang ClearBot, isang solar-powered, AI-enabled robotic vessel na makatutulong sa paglilinis ng Pasig River at mga estero, sa tulong ng Asian Development Bank at Clear Robotics.

(CHRISTIAN DALE)

54

Related posts

Leave a Comment