DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG LANGIS NGAYONG MARTES

MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula Martes, Oktubre 22.

Ayon sa abiso ng Shell, SeaOil, PetroGazz, at Cleanfuel, tataas ng ₱0.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang may bawas na ₱0.70 kada litro sa diesel at ₱0.60 naman sa kerosene.

Karamihan sa mga kumpanya ng langis ay magpapatupad ng price adjustment alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na karaniwang sumusunod bandang alas-12:01 ng hatinggabi.

Noong nakaraang linggo, nagpatupad ang mga oil companies ng mixed fuel price adjustment kung saan gasolina lamang ang tumaas ang presyo, habang steady ang presyo ng diesel at kerosene.

Ang lingguhang price adjustment ay bunga pa rin ng galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at palitan ng piso kontra dolyar.

(CHAI JULIAN)

61

Related posts

Leave a Comment