(NI JESSE KABEL)
TINATAYA sa isang milyong pasaway sa Metro Manila matapos ilabas ang datos sa paghuli sa mga ito sa iba’t ibang kaso.
Ayon sa Philippine National Police-National Capital Regional Police Office, nagpapakitang mahigit isang milyon ang bilang ng mga makukulit at pasaway na residenteng dinakip dahil sa paglabag sa mga lokal na ordinansa simula noong Hunyo 13, 2018.
Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, batay sa kanilang hawak na datos, nasa 1,069,691 na ang nahuli sa paglabag sa city ordinances hanggang nitong nakalipas na Biyernes hapon, May 31.
Dahil dito, inatasan ni Eleazar ang lahat ng kanyang District Director sa kalakhang Maynila na huwag lubayan ang panghuhuli sa mga pasaway o mga ordinance violators hanggang sa magsipagtanda ang mga ito.
“We should not lower our guard in the campaign against ordinance violators until Metro Manilans realize that they should follow the rule of law,” ayon pa kay Eleazar higit sa magbabalik eskuwela na mag-aaral.
Pinakamarami ang lumabag sa smoking ban sa 247,710 na kabuuang 23.16 percent nang naganap na mga pag-aresto.
Sumunod naman ang pag-aresto sa 65,650 mga menor de edad na lumabag sa curfew hours o 6.14 percent.
Lumilitaw na nasa Quezon City ang may pinakamalaking bilang ng mga pasaway na umaabot sa mahigit kalahating milyon o 55.60 percent ng kabuuang bilang na 1,069,691 habang pina kaunti ng SPD na may 5.67 percent lamang.
NPD – 104,826 – 9.80%
EPD – 222,433 – 20.79%
MPD – 87,059 – 8.14%
SPD – 60,611 – 5.67%
QCPD – 594,762 – 55.60%
GRAND TOTAL: 1,069,691
STATUS OF VIOLATORS:
No. of Violators Warned:
NPD – 63,514
EPD – 104,674
MPD – 19,874
SPD – 37,953
QCPD – 485,703
Total: 711,718 – 66.53
191