(NI BETH JULIAN)
‘THERE is no corruption. I have killed all of them already. Some, but not all.
Ito ang mga katagang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panghihikayat nito sa mga negosyanteng Japanese at Chinese para magtayo ng negosyo o mag-invest sa Pilipinas.
Sa kanyang keynote sa dinaluhang 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan, tiniyak ng Pangulo sa mga Hapones na nais magnegosyo sa Pilipinas na ligtas ang kanilang mga pera sa kanyang kasalukuyang administrasyon.
“Who wants investments? Who wants it? My country needs it. Now the investors, be it a Japanese, a Chinese, the first thing is: Is our money safe? “Well, in my term, it is safe. Is there no corruption? There is no corruption. I have killed all of them already. Some but not all,” panawagan ng Pangulo.
Dito ay ipinangako ng Pangulo na makaaasa ang mga Japanese businessmen na matutugunan ng kanyang administrasyon ang mga pangangailangan ng mga ito gaya ng pagkakaroon ng magandang business environment sa Pilipinas at pagpapalakas na mga polisiya para padaliin ang sistema ng pamumuhunan.
“Through good governance, we have created an enabling environment that allows businesses and investments to prosper. We have initiated a comprehensive tax reform program. We are strengthening domestic policies to promote ease of doing business and competitiveness,” pahayag ng Pangulo.
155