CROWD ESTIMATE SA LUNETA RALLY HIGIT 550,000

PATULOY ang pagdagsa ng mga tao sa Luneta Park upang makiisa sa panawagan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Kaugnay pa rin ng peace rally na tinawag na Transparency and a Better Democracy ng Iglesia ni Cristo (INC), umakyat na sa 550,000 ang crowd estimate sa Quirino Grandstand, ayon sa Manila Police District (MPD) hanggang alas-5 ng hapon.

Pormal na sinimulan ang programa dakong alas-4 ng hapon, at isa sa mga nagsalita sa entablado si INC spokesperson Edwil Zabala. Ani Zabala, simple lamang ang panawagan ng taumbayan: maging tapat, malinaw, at huwag pagtakpan ang mga maysala sa pamamagitan ng kasinungalingan.

Dagdag pa niya, dapat tiyakin na ang gagawing imbestigasyon ay makatarungan upang mapanagot ang mga lumabag sa batas.

Nanatili namang mahigpit ang seguridad sa paligid ng Luneta Park, hindi lamang mula sa Manila Police District kundi maging mula sa hanay ng Iglesia ni Cristo.

(JOCELYN DOMENDEN)

53

Related posts

Leave a Comment