800-K GURO DISMAYADO SA UNANG ARAW NG KLASE

rally12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG ang mga estudyante ay excited sa pagbubukas ng klase nitong Lunes, Hunyo 3, pagkadismaya naman ang narandaman ng mahigit 800,000 public school teachers dahil sa liit ng kanilang sahod.

Ito ang paglalarawan ng Alliance of Concerned Teachers party-list group matapos buksan ang klase ngayon School Year 2019-2020, dahil bukod sa kakarampot na sahod ay hindi pa nareresolba ang problema sa mga public schools tulad ng kakulangan ng mga silid-aralan, textbooks, silya at iba.

Ayon sa nasabing grupo na kinakatawan ni Rep. Antonio Tinio at France Castro sa Kamara, bagama’t nangako ang gobyernong Duterte na itataas na ang sahod ng mga public school teachers, nalulungkot at nadidismaya anila ang mga guro dahil bagama’t matagal na nilang hinihingi ang dagdag na sahod ay binigo sila ng pamahalaan.

“This dire economic situation has caused great frustration among teachers, as evidenced by the persistent clamor for pay hike. Be it school opening, graduation period or vacation time, teachers ache for just compensation,” ayon sa nasabing grupo.

Ito ay dahil ang sinasahod lamang aniya ng isang Teacher 1 ay  P20,754 kada buwan habang P22,938 naman sa Teacher 2 gayong  P23,660 ang Family Living Wage base sa pag-aaral ng IBON Foundation.

Sinabi ni Tinio na matagal na nilang inihain ang House Bill 7211 para itaas sa P30,000 ang minimum pay ng mga public school teacher at P31,000 sa mga propesor sa mga state colleges and universities (SUCs) subalit hindi ito pinansin ng Kongreso.

Dahil dito, hindi aniya masaya ang mga public school teachers kaya marami sa mga ito ay nagsagawa ng silent protest sa unang araw ng klase sa pamamagitan ng pagsusuot ng arm band na may nakasulat na “tuparin ang pangako”.

Matagal na kasi aniyang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang sahod ng mga public school teachers nang itaas nito ang sahod ng mga sundalo at pulis subalit hanggang ngayon ay hindi natutupad.

 

204

Related posts

Leave a Comment