COLOR CODING ANG CORRUPTION SA BI

MATAPOS ang ating pambibisto sa natuklasang katiwalian sa Bureau of Immigration kung saan ay nawindang ang mundo ng mga kumag, ay muli tayong nakatanggap ng isang sumbong mula sa ating bubuyog na travel agent, kaugnay sa malawakang korupsyon na naman ng mga opisyal ng ahensya partikular sa Legal Division.

Kung kamakailan ay tila nag-fiesta itong tatlong abogado sa libreng field trip to China sa pamamagitan ng pag-escort sa 26 Chinese na ipinatapon ng bansa, kahit wala sa kanilang trabaho ang mag-escort, na kinabibilangan ng mga opisyal na itatago natin sa pangalang Atty. Alex Arciaga,  Atty. Gemma at isang “Yoga Bear” na ikinadismaya ng mga ordinaryong empleyado sa kadahilanang hiningi umano ng mga opisyal na sila ay mapabilang sa libreng tour.

Bueno gumawi na tayo sa bagong issue… Alam n’yo ba na ang sumabog na katiwalian sa BI partikular sa airport kung saan ay ilang opisyal ang nasangkot at nakasuhan sa tinawag na Pastillas Scam, dahil ang pera na pangsuhol sa mga Chinese na ipinapasok sa bansa ay nakabalot sa isang papel na tila isang Pastillas candy, may panibagong raket naman ngayon ang mga kumag.

Ang bawat folder na natapos na kagaya ng mga Visa application ay mayroong “Color Coding” kagaya na lamang na kung kulay “RED” ay galing at kliyente ‘di-umano ng isang Atty. na may alias na “Yoga Bear” at Orange naman na galing din sa isang kalbong lawyer at opisyal ng Legal Division na laging “HOME alone”, ito ay dinadala sa ilang unit office ng ahensya upang iproseso at ang ending ay happy together na naman na magpapartehan sa kanilang kinita… Paldo na naman… Ang nakalulungkot dito ay kung ordinaryong folder na walang kulay at walang palaman ay denied agad ang application.

Bakit kaya sa kanilang pagbalik mula China ay may bulto-bulto umanong folder ng mga approved visa, at kung ano pang papel na may malalaking kitaan sa BI, kagaya na rin sa lifting ng mga blacklist at deportation. Hmm… Kasama kaya ni Yoga Bear ang kanyang bebot sa China na si “Power Puff Joyce” kaya bumabawi sa dami ng kanyang napamiling pasalubong? Sweet naman ni Sir!

Tila nakabibingi ang katahimikan nitong si dating SOJ Boying Remulla na ngayon ay Ombudsman na. Kung talagang nais nito na malinis at makasuhan ang mga corrupt sa BI ay bakit hindi nito kasuhan at sibakin ang mga sangkot sa pagsasamantala sa kanilang kapangyarihan para magpayaman? Bakit sa mainit na isyu lamang sa flood control nakatuon ang imbestigasyon?

Ang Verification and Compliance Division ng BI, bakit nanahimik na sa isyung ito kung saan ay nakikita nila kung may pilipit na papel o hindi… kasama na rin ba kayo sa hatian? Ano na ang nangyari sa ikinaso sa tatlong opisyal sa Legal Division kaugnay sa fake na Alien Employment Permit at ngayon ay muling nagbalik ang ilegal na gawain… Aling Gemma, anyare?

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

20

Related posts

Leave a Comment