MPD PRESS CORPS NAGSAGAWA NG CHRISTMAS GIFT-GIVING

NAGSAGAWA ng Christmas gift-giving activity ang MPD Press Corps katuwang ang Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni District Director PBGen. Arnold Abad.

Halos 200 ang benepisyaryo na pawang street dwellers, homeless individuals at street sweepers na nasa paligid ng lungsod ng Maynila.

Ilan sa mga ipinamahagi o laman ng Christmas gift packs ay 3 kilong bigas, canned goods, noodles at mga bundle ng snacks.

Isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng simpleng tulong ang mga taong nasa lansangan ngayong kapaskuhan.

Ayon sa pahayag ng MPD Press Corps, ang aktibidad ay bahagi ng taunang tradisyon para maiparamdam ang diwa ng kapaskuhan sa mga taong nakikita o nakasasalamuha sa lansangan.

Isinagawa ang pamamahagi sa tapat ng tanggapan ng MPD Press Corps kasama si Kevin Lim ng Canton Chamber of Commerce.

Ang Canton Chamber of Commerce ay ang taunang nag-i-sponsor sa mga aktibidad ng MPD Press Corps, katuwang sina Vincent Chan ng Brixton Fire Volunteer, at Enrico Sangcap ng Dragon Sangcap & Sons.

(JOCELYN DOMENDEN)

125

Related posts

Leave a Comment