3 DAY NATIONAL DECONGESTIONS SUMMIT SINIMULAN NA

UMARANGKADA na sa Metro Manila ang ikalawang National Decongestion Summit sa pangunguna ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC, na binubuo ng Korte Suprema, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon.

Layon ng tatlong araw na aktibidad na gaganapin sa Manila Hotel mula January 21-23, para paigtingin ang mga hakbang para sa pagpapaluwag ng mga piitan sa bansa.

Kabilang sa mga pangunahing tatalakayin sa summit ang pagsasama o unification ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology sa isang integrated correctional system, alinsunod sa Nelson Mandela Rules.

Tututukan din ang restorative justice, ang pagpapabuti sa kalkulasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mas mabilis na pagpapalaya at ang mahalagang papel ng law students sa decongestion efforts sa pamamagitan ng Clinical Legal Education Program.

Isang makasaysayang bahagi ng programa ang pagbibigay ng boses sa mga kasalukuyan at dating Persons Deprived of Liberty o PDL sa pagbalangkas ng mga polisiya upang masiguro na ang reporma ay akma sa tunay na karanasan sa loob ng mga pasilidad.

Inaasahang magtatapos ang summit sa paglagda ng Declaration of Continuing Commitment upang pagtibayin ang dedikasyon ng iba’t ibang ahensya sa makatao at epektibong sistemang-pangkatarungan.

(JULIET PACOT)

44

Related posts

Leave a Comment