PBBM INIUTOS ROLLOUT NG BENTENG BIGAS SA AKLAN

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak ng programang Benteng Bigas, Meron Na sa lalawigan ng Aklan upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa abot-kayang bigas.

Inanunsyo ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malakanyang.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 85,000 katao mula sa mga vulnerable sector, kabilang ang low-income families, senior citizens, persons with disabilities, at mga minimum wage earners.

Bukod sa subsidized rice program, naglaan din ang DA ng ₱75 milyong halaga ng tulong pang-agrikultura para sa mga magsasaka at mangingisda sa Aklan, kabilang ang makinarya, binhi, pataba, crop indemnity checks, at iba pang suportang pangkabuhayan.

Ani Castro, bahagi ito ng mas malawak na estratehiya ng administrasyong Marcos Jr. upang patatagin ang suplay ng pagkain at maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

(CHRISTIAN DALE)

4

Related posts

Leave a Comment