(NI NOEL ABUEL)
UMAPELA si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga senador sa mayorya na hayaan ang oposisyon na manatili sa kanilang chairmanship committees.
Ayon kay Drilon, dapat na igalang ng mayorya ang oposisyon sa Senado kabilang na rito sina Senador Leila de Lima at Risa Hontiveros.
Partikular na tinutukoy ni Drilon ang Senate Committee on Social Justice, Welfare at Rural Development na pinamumunuan ni De Lima.
Gayundin ang Senate Committee on Women, Children, Family relations ang Gender Equality na hawak naman ni Hontiveros.
Giit pa ni Drilon, ang katarungan para sa incumbent rule ay dapat pantay- pantay sa lahat ng senador mapa-majority man o minority.
