SA WAKAS! SEN. BATO PINAG-IISIPAN NANG TUMIGIL SA PAGTANGGAP NG SWELDO

KINOKONSIDERA na umano ni Senador Ronald Bato dela Rosa ang mga suhestyon na huwag na muna siyang tumanggap ng sahod at allowance habang hindi siya pumapasok sa Senado.

Ito ang kinumpirma ni Senador JV Ejercito makaraang iparating sa kanila ang plano ni dela Rosa.

Sinabi ni Ejercito na kung gagawin ito ni dela Rosa ay mawawala na ang pressure sa kanya at maging sa Senado kaugnay na rin ng ethics complaint laban sa kanya.

“Sinasabi ko kung susundin talaga ang rules, sa korte nga inaabot tayo ng taon eh. Kasi kung susundin mo talaga ang rules medyo matagal-tagal para mawala ang pressure sa Senate mawala ang pressure kay Sen dela Rosa siguro request natin voluntary forego yung kanyang salaries and allowances also sinang-ayunan din naman ni Senate President Sotto,” pahayag ni Ejercito.

Kasabay nito, kinumpirma ni Ejercito na halos kalahati ng siyam na ethics complaint na nakahain laban sa mga senador na ibabalik nila sa complainants.

Ito ay dahil hindi nakatugon sa form and substance ang mga reklamo.

Kinumpirma rin niya na nakalusot naman sa kanilang pagbusisi sa form and substance ang unang reklamong naihain sa Senate Ethics Committee at pasasagutin na nila ang senador na inirereklamo.

(DANG SAMSON-GARCIA)

49

Related posts

Leave a Comment