VIDA DEDMA SA ISYUNG CABINET REVAMP

KUMPIYANSA si Justice Secretary Frederick Vida na hindi siya kasama sa posibleng balasahan sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Vida, hindi siya naniniwalang mapapalitan siya bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa ngayon.

Sa isang press briefing, sinabi ni Vida na marami pa siyang natatanggap na direktiba kaya pakiramdam niya ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang panunungkulan.

“Maraming utos sa inyong lingkod, kaya parang sa tingin ko, tuloy-tuloy ho. Any further statement is a speculation on my part,” ani Vida.

Hindi rin umano niya alam kung saan nagmumula ang mga usap-usapan tungkol sa umano’y pagbabago sa DOJ.

“We serve for the Filipino people. We serve at the pleasure of the President,” dagdag pa niya.

(JULIET PACOT)

80

Related posts

Leave a Comment