GOOD RIDDANCE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA wakas, natapos din ang panunungkulan ni Ted Herbosa bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) matapos ang kanyang pagbibitiw. Kusa mang nagbitiw o inutusang magbitiw ay hindi na importante basta, wala na siya sa ahensya, period! Para sa maraming sektor na matagal nang nagmamasid at nagtitiis sa mabagal at tila walang direksyong pamamahala sa ahensya, malaking ginhawa ang dulot ng balitang ito. Ang kanyang pag-alis sa pwesto ay maituturing na isang magandang simula upang maituwid ang mga nagkabuhol-buhol na problema sa sistema ng pampublikong kalusugan…

Read More

KAPALIT NG MALING PAG-UNAWA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NOONG una kong makita ang mga litrato ng photocopy ng isang libong pisong papel na kumakalat sa social media, natawa rin ako. Hindi dahil nakatatawa ang biro, kundi dahil naisip kong siguradong may maniniwala rito. Hindi nga ako nagkamali. Marami ang nagbahagi nito na para bang nakahuli sila ng napakalaking butas sa batas. Ang mas nakatatawa, sila mismo ang hindi nakaunawa sa pinagtatawanan nila. Ang kuwento ay tungkol sa paniniwala ng ilan na kung tinatanggap ng korte ang photocopy bilang ebidensya, dapat tanggapin din…

Read More

TAG-ULAN NA NAMAN! KAKALIMUTAN NA LANG BA NATIN ANG FLOOD CONTROL SCAM?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMI ang nagtatanong ngayon kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng umano’y pinakamalaking anomalya sa kasaysayan ng bansa—ang kontrobersyal na flood control scam na nagkakahalaga umano ng mahigit isang trilyong piso. Ilang buwan na ang nakalipas mula nang maging laman ito ng mga pagdinig, balita, at usapin sa iba’t ibang plataporma, ngunit tila bigla na lamang itong naglaho sa sentro ng pambansang diskurso. Sa halip na ang mga proyektong flood control na pinaglaanan ng napakalaking pondo ng bayan ang patuloy na inuusisa, ang mas…

Read More

BROADCAST MEDIA STAFF PINASLANG SA COTABATO CITY

PATAY ang isang broadcast media worker ng Catholic-run radio station sa Cotabato City matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang papasok sa trabaho. Kinilala ang biktima na si Dennis Pido, 56, residente ng Pigcawayan, North Cotabato, at broadcast media technician ng DXMS-AM at DXOL-FM ng Notre Dame Broadcasting Corporation (NDBC). Ayon kay Police Captain Steffi Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), minamaneho ni Pido ang kanyang Honda CRF 300 motorcycle patungo sa trabaho nang barilin siya ng hindi pa nakikilalang gunman na sakay din ng motorsiklo…

Read More

COC FILING PARA SA DASMARIÑAS SPECIAL ELECTION, UMARANGKADA

NAGSIMULA na noong Hulyo 15 ang unang araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa gaganaping special election sa nag-iisang distrito ng Dasmariñas City, Cavite. Tatagal ang paghahain ng COC hanggang Hulyo 17, kung saan inaasahang magsusumite ng kanilang kandidatura ang mga nagnanais na maging kinatawan ng lungsod sa Kongreso. May kabuuang 448,883 rehistradong botante ang inaasahang boboto sa Dasmariñas gamit ang 43 voting centers at 3,166 voting precincts. Sa araw ng halalan sa Agosto 29, boboto mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng umaga ang mga senior citizen, persons…

Read More

GF, UTOL PERSONS OF INTEREST SA PAGKAMATAY NG KANONG MARINE BIOLOGIST

DALAWANG indibidwal na persons of interest sa pagpatay sa American marine biologist, ang nakikita ng Negros Oriental Provincial Police Office. Sa panayam ng mga mamahayag sa Camp Crame kay PCol. Timmar Alam, ang director ng Negros Provincial Police Office at head ng binuong Special Investigation Task Group (SITG-Carpenter), itinuturing na persons of interest ang live-in partner nito at ang kapatid ng huli. Ayon kay Alam, lumitaw sa kanilang isinagawang imbestigasyon na hindi sinaktan ang nobya ni Kent Carpenter, at inconsistent ang naging pahayag na kasama sa krimen ang posibleng panghahalay.…

Read More

RAPE CASE LABAN SA TNVS DRIVER IDINULOG SA LCSP

LUMAPIT sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang isang kabataang babae kaugnay ng reklamong rape laban sa isang transport network vehicle service (TNVS) driver. Ayon sa reklamo, inakusahan ng teenager ang driver ng sinakyang TNVS na accredited ng isang transport network company (TNC) ng panggagahasa. Batay sa salaysay ng biktima, naganap umano ang insidente noong Mayo 8, 2026 sa Quezon City. Ayon sa LCSP, sinuspinde lamang umano ng TNC ang driver matapos magsampa ng reklamo ang biktima sa kumpanya. Depensa naman ng driver, hindi umano nangyari ang paratang…

Read More

31 KASO NG CYBERBULLYING NAITALA SA QC SCHOOLS

NAITALA ng Quezon City government ang 31 kaso ng cyberbullying sa mga paaralan sa lungsod noong nakalipas na taon. Ayon kay Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, nasa 90 porsyento ng mga naitalang kaso ng student bullying ang nalutas at nabigyan ng kaukulang aksyon ng mga opisyal ng mga paaralan sa lungsod. Sa ginanap na QC Journalist Forum noong Hulyo 14, sinabi ni Medalla na karamihan sa mga kaso ng cyberbullying ay naganap sa mga paaralan at agad namang nabigyan ng kaukulang solusyon ng mga school administrator. “Karamihan sa mga…

Read More

PROSECUTION TEAM TAPOS NA SA ARTICLE IV; MATIBAG HULING TESTIGO

ITINUTURING na halos kumpleto na ng House prosecution panel ang kanilang presentasyon ng ebidensya para sa Article IV o threat charge laban kay Vice President Sara Duterte, kung saan si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang magsisilbing huling testigo na ihaharap sa pagdinig sa Hulyo 21. Ito ay matapos i-withdraw ng prosecution panel ang ilan sa mga dati nilang testigo na itinuring nilang redundant, cumulative, o hindi na kinakailangang iharap pa sa Impeachment Court. Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, kukumpletuhin ni Matibag…

Read More