ISINUSULONG ngayong Road Safety Awareness Month ang mas pinaigting na kampanya para sa ligtas na pagbiyahe at kahandaan sa oras ng emerhensiya kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng road traffic accidents sa bansa.
Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil sa road traffic accidents sa Pilipinas mula 7,938 noong 2011 hanggang 11,096 noong 2021.
Ipinakita rin ng datos na ang road traffic injuries ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipinong nasa edad 15 hanggang 19-anyos, na kabilang sa pinakaaktibong bumibiyahe araw-araw.
Dahil dito, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng responsableng pagmamaneho, ligtas na pagko-commute at kahandaan sa mga hindi inaasahang emerhensiya sa lansangan.
Ayon sa Maxicare, mahalagang tingnan ng publiko ang proteksyon hindi lamang bilang pangmatagalang desisyong pangkalusugan kundi bilang praktikal na paghahanda sa araw-araw.
Kabilang sa mga iniaalok nitong prepaid cards ang Maxicare LifesavER at Maxicare LifesavER+ na dinisenyo upang makatulong sa pagtugon sa emergency medical needs.
(DANNY QUERUBIN)
90 