APAT NA! QUEZON PROVINCE, MULING NAKAKUHA NG ‘UNQUALIFIED OPINION’ SA COA

MULING ginawaran ng Commission on Audit (COA) ng “Unqualified Opinion” o pinakamataas na audit rating ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa taong 2025.
Ito na ang ika-apat na magkakasunod na taon na nakamit ng lalawigan ang naturang pagkilala mula sa COA.

Batay sa Independent Auditor’s Report, sinabi ng COA na ang financial statements ng Pamahalaang Panlalawigan ay patas at naaayon sa lahat ng materyal na aspeto alinsunod sa International Public Sector Accounting Standards (IPSASs).

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sumasalamin ang pagkilalang ito sa pagsisikap ng administrasyon ni Governor Doktora Helen Tan na mapanatili ang transparency, accountability at maayos na paggugol ng pondo ng bayan.

Ang “Unqualified Opinion” o Clean Opinion ay ibinibigay lamang sa mga ahensya ng gobyerno na nakapagsusumite ng kumpleto, tama at walang malaking pagkakamali sa kanilang financial statements.

Kabilang sa sinuri ng COA ang statement of financial position, financial performance, cash flows at paghahambing ng budget at actual amounts para sa taong nagtapos noong Disyembre 31, 2025.

Sa kabila ng mga hamon sa pampublikong sektor, tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na ipagpapatuloy nito ang mahusay na pamamahala upang mapanatili ang tiwala ng publiko at maihatid ang “Serbisyong Tunay at Natural” sa bawat Quezonian.

98

Related posts

Leave a Comment