INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isang mass shooting ang napigilan ng mga awtoridad.
Sinabi ng Kalihim sa isang press briefing sa Camp Crame, na nakatanggap siya ng tawag mula kay Sen. Bam Aquino na posibleng magkaroon ng pamamaril sa Tolosa National High School sa Leyte.
Kaagad niyang ipinaberipika ang natanggap na impormasyon at nang suriin ay nakumpirma ito.
Napag-alaman na isang 14-anyos na babae umano ang nasa likod ng plano na gumagamit ng multiple social media account.
Lumitaw rin sa isinagawang imbestigasyon na naglalaro ang nasabing dalagita ng Gorebox at may personal at problema sa pamilya.
Hinala nina Remulla, gustong gumawa ng copycat crime ng menor de edad matapos ang malagim na pamamaril sa San Jose National High School.
Dinala sa DSWD ang 14-anyos na babae at pagkatapos ng interview ay ibinalik ito sa kanyang pamilya dahil wala namang nagawang krimen.
Nanawagan naman si Remulla na mag-craft o gumawa ng bagong batas hinggil sa pangangalaga ng baril
Dapat din umanong repasuhin ang Implementing Rules and Regulation sa gun ownership
Samantala, sinabi rin ni Remulla na naniniwala siyang dapat permanente nang ma-ban ang Gorebox na isang marahas na laro.
(TOTO NABAJA)
94 