TATAKBONG BRGY. CHAIRMAN SA BATANGAS TINODAS

PATAY ang isang 53-anyos na negosyante na umano’y nagbabalak tumakbo bilang barangay chairman sa nalalapit na halalan, matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Sto. Tomas City, Batangas, noong madaling araw ng Miyerkoles.

Kinilala ang biktima sa pangalang “Evelyn”, residente ng Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City.

Ayon sa pulisya, nag-aasikaso ang biktima sa kanilang meat shop sa Brgy. San Roque bandang alas-4 ng madaling araw nang lapitan at pagbabarilin ng backrider ng isang motorsiklo.

Batay sa CCTV footage, apat na beses na pinaputukan ang biktima bago tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. San Miguel.

Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at isa sa tinitingnang mga anggulo ay ang planong pagtakbo ng biktima sa darating na Barangay at SK elections.

(NILOU DEL CARMEN)

58

Related posts

Leave a Comment