RETIRADONG SEAMAN KRITIKAL SA AWAY SA PARKING

AGAW-BUHAY ang isang retiradong seaman makaraang pagbabarilin ng kapitbahay nang magtalo dahil sa parking sa kanilang lugar sa Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Dela Salle University Hospital ang biktimang si alyas “Antonio”, 65, ng Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite.

Agad namang naaresto ang suspek na si alyas “Rodolfo”, 77, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hinggil sa pagpaparada ng kanilang mga sasakyan sa kanilang barangay bandang alas-10:30 ng umaga.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, umuwi ang suspek at pagbalik nito ay armado na ng ‘di nabatid na kalibre ng baril at pinaputukan ang biktima ng tatlong beses.

Isinugod ang biktima sa ospital kung saan nilalapatan ng lunas at nasa kritikal na kondisyon.

Naaresto naman ang suspek at hawak na ng Dasmariñas Component City Police Station.

(SIGFRED ADSUARA)

96

Related posts

Leave a Comment