MARCOLETA SA JULY 15 PA MAILILIPAT SA DETENTION FACILITY

INIHAYAG ni Police Lieutenant Colonel Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine ng PNP General Hospital (PNP-GH), na maaari nang ibyahe at mailipat sa detention facility si Senador Rodante Marcoleta.

Ayon kay Bayani, kailangan lamang makumpleto ng senador ang iniinom nitong antibiotics para sa kanyang mild pneumonia.

Sinabi ni Bayani na tinatapos na lamang ni Marcoleta ang kanyang antibiotic treatment hanggang Hulyo 15.

Sa kabila ng pagiging “fit for travel” ng senador, sinabi ni Bayani na hindi pa niya matiyak ang eksaktong araw at oras ng paglilipat kay Marcoleta sa detention facility.

Sa ngayon, nakapagsumite na umano ang PNP-GH ng updated medical report sa Sandiganbayan kaugnay sa kondisyon ng senador.

Stable naman ang kondisyon ni Marcoleta at kontrolado ang kanyang blood pressure na nasa 130/90.

(TOTO NABAJA)

156

Related posts

Leave a Comment