MARCOLETA SA JULY 15 PA MAILILIPAT SA DETENTION FACILITY

INIHAYAG ni Police Lieutenant Colonel Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine ng PNP General Hospital (PNP-GH), na maaari nang ibyahe at mailipat sa detention facility si Senador Rodante Marcoleta. Ayon kay Bayani, kailangan lamang makumpleto ng senador ang iniinom nitong antibiotics para sa kanyang mild pneumonia. Sinabi ni Bayani na tinatapos na lamang ni Marcoleta ang kanyang antibiotic treatment hanggang Hulyo 15. Sa kabila ng pagiging “fit for travel” ng senador, sinabi ni Bayani na hindi pa niya matiyak ang eksaktong araw at oras ng paglilipat kay Marcoleta sa detention…

Read More

PAHINANTE, NASANGKOT SA AWAY; NAHULIHAN NG SHABU

SWAK sa kulungan ang isang pahinante na nasangkot sa isang away matapos itong mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City nitong nakalipas na linggo. Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Jomark,” 40-anyos, binata, pahinante at residente ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City. Ayon kay Police Staff Sergeant Raymund Fallarme, imbestigador ng Quezon City Police District (QCPD) Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 1-Laloma, dakong alas-7:20 ng gabi noong Hulyo 9 nang madakip ang suspek sa Barangay Hall ng Apolonio Samson. Sinabi ni Fallarme na…

Read More

SEN. MARK VILLAR, NAGBIGAY-PUGAY KAY ALEX EALA SA MAKASAYSAYANG TAGUMPAY SA WIMBLEDON

NAGHAIN si Senador Mark Villar ng Senate Resolution No. 507 upang magbigay-pugay at pagbati sa Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Maniego Eala bilang pagkilala sa kanyang makasaysayang mga tagumpay at mahalagang ambag sa larangan ng tennis, gayundin sa pagiging inspirasyon nito sa milyun-milyong Pilipino, lalo na sa kabataan. Kinikilala ng resolusyon ang makasaysayang kampanya ni Eala sa 2026 Wimbledon Championships, kung saan siya ang naging kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Round of 16 ng isang Grand Slam singles tournament matapos talunin ang ilan sa pinakamahuhusay na manlalaro sa…

Read More

HINDI SAKITAN KUNDI PANANAGUTAN ANG LAYUNIN SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP DUTERTE – REP. ADIONG

ITINANGGI ng House prosecution panel ang paglalarawan ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial bilang isang “political bloodbath.” Ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, walang intensyon ang prosekusyon na saktan si Duterte sa larangan ng pulitika. “Never po na intention ng prosecution na magkaroon ng sakitan. Ang intention po talaga ng prosecution ay pananagutan,” ani Adiong. Giit ng mambabatas, dapat suriin ang kaso ng prosekusyon batay sa Articles of Impeachment, mga ebidensyang ihaharap sa rekord ng korte at mga sagot ng depensa.…

Read More

SEDITION CASE NI VP SARA DUTERTE, PENDING PA RIN — SOJ VIDA

INAMIN ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na wala pang panibagong ulat kaugnay sa mga reklamong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte sa kagawaran. Ayon kay Vida, patuloy pa ring sinusuri ng DOJ ang draft resolution sa mga reklamong inciting to sedition at grave threats laban sa Bise Presidente. Magugunitang noong Pebrero 2025 ay naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga reklamong nabanggit laban kay Duterte kaugnay sa mga umano’y pagbabanta nito laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos at…

Read More

Pinalitan ni Pujalte HERBOSA LIGWAK NA SA DOH

KINUMPIRMA ng Malacañang na nagbitiw na sa puwesto si dating Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Ted” Herbosa. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, idinahilan ni Herbosa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang kondisyon sa kalusugan. Sinabi ni Castro na itinalaga ng Pangulo si Dr. Jose S. Pujalte Jr. bilang bagong Kalihim ng Department of Health. Ayon kay Castro, baon ni Dr. Pujalte ang malawak na karanasan at natatanging pamumuno bilang doktor, hospital administrator, guro at lingkod-bayan na may mahigit tatlong…

Read More