CHINESE NATIONAL BALIK-HK SA MONEY LAUNDERING

immigration 12

(NI ROSE PULGAR)

PINABALIK  ng Bureau of Immigration ng Ninoy Aquion International Airport (NAIA), sa bansang Hongkong ang isang Chinese national na may nakabimbing kasong may kinalaman sa economic crimes.

Nitong Lunes ay naaresto ng mga awtoridad ang suspect na si Wu Chuqui, 42, matapos itong hindi pinayagan na makapasok sa bansa  nang ito ay maharap sa NAIA Terminal 3, Lunes ng umaga.

Ayon kay BI-Interpol Chief Atty. Rommel Tacorda, si Wu ay wanted sa money laundering dahil sa pagkakasangkot sa  illegal business operation, at may nakabimbin na warrant of arrest na inisyu noong nakaraang taon ng Public Security Bureau sa Shenzhen, Shantou, China.

Sinabi pa ni Tacorda na si Wu ay dumating sa bansa noong Hunyo 14 sakay ng Cathay Pacific flight mula Hongkong at nasa Interpol’s red notice list of wanted fugitives.

Agad na ibinukod at nai-book sa first available Cathay Pacific flight pabalik ng Hongkong.

 

167

Related posts

Leave a Comment