NANAWAGAN si Senador Christopher Bong Go ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan at mas maayos na sistema ng agarang pagtugon sa mga medical emergency.
Ito ay kasunod ng naganap na stabbing incident sa loob ng Las Piñas National High School.
Sinabi ni Go na dapat maimbestigahan paano naipasok ang balisong sa paaralan sa kabila ng ipinatutupad na security measures.
Binigyang-diin ni senador na dapat manatiling ligtas ang mga mag-aaral habang nasa paaralan at kailangang matukoy ang mga kailangan pang hakbanging dapat ipatupad para matiyak ang seguridad sa mga campus.
Hinikayat ni Go ang pamahalaan na pag-aralan ang posibleng deployment ng uniformed personnel sa mga paaralan upang palakasin ang security measures.
Hinimok din niya ang mga paaralan na paigtingin ang programa sa disiplina, mapayapang paglutas sa mga alitan at responsableng pag-uugali.
Dapat din anyan bigyang pansin ang mabilis na pagtugon ng medical personnel ng paaralan sa mga ganitong insidente.
Mahalaga anya ang bawat minuto kaya dapat may mga trained health personnel na nangangasiwa sa ganitong pangyayari.
(Dang Samson-Garcia)
91 