PNP HANDA VS MAGHAHAIN NG IMPEACHMENT NI DU30

albayalde12

(NI JG TUMBADO)

ANUMANG oras ay handa ang elemento ng Philippine National Police (PNP)  na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde kaugnay ng banta ni Pangulong Duterte na ipaaaresto ang sinumang magsasampa ng kaso upang mapatalsik siya sa puwesto.

Nilinaw naman ng PNP Chief na hindi basta-basta aarestuhin ang mga  kritiko ng administrasyon dahilan lamang na itinuro ito ng Punong Ehekutibo.

“It’s up to the President. If the President would order it and we would see violations, why not,” pahayag ng PNP Chief.

“There should be an investigation. Hindi mo naman puwede basta kunin yung tao dahil tinuro tapos kunin mo. There will always be an investigation before you can make any arrest,” paliwanag pa ni Albayalde.

Kailangan muna aniyang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ang PNP kung may basehan para arestuhin ang sinumang mga personalidad.

Inihayag ni Albayalde na  posibleng sedisyon  o libelo ang kasong kakaharapin ng mga ito, na may kaugnayan sa tangkang pabagsakin ang pamahalaan na depende pa rin sa desisyon ni Duterte.

Nabatid na ang pahayag ni Duterte ay kaugnay ng pagpabor nito sa China sa halip na ipagtanggol ang isinasaad sa Saligang Batas na ipagtanggol ang integridad ng soberenya ng bansa .

106

Related posts

Leave a Comment