(NI BETH JULIAN)
ANO ba talaga?
Ito ang namumuo sa isip ng publiko kaugnay sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa bantang paghahain ng kasong impeachment laban sa kanya ng ilang kritiko.
Nalilito ang publiko matapos ihayag nitong Sabado na walang balak ang Malacanang na hadlangan ang anumang planong paghahain ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa harap ito ng babala ng grupong Pamalakaya na nakaumang ang isasampa nilang kasong impeachment laban sa Pangulo sa sandaling magbalik sesyon na ang Kongreso.
Treason at culpable of violation of the the constitution nang dahil sa kabiguan umano ng Pangulo na protektahan ang exclusive economic zone ng Pilipinas ang grounds for impeachement na ihahain ng grupo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinikilala ng Office of the President at karapatan ng sinumang Filipino citizen na maghain ng impeachment complaint laban sa nakaupong Pangulo ng bansa.
Gayunman, bukod sa wala sa lugar, wala umanong basehan ang impeachment complaint laban sa Pangulo.
Tiniyak naman ng Panelo na hindi ipaaaresto at ipakukulong ang mga magsasampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
Pero nauna nang nagpakita ng gigil ang Pangulo matapos lumabas ang ulat ng bantang pagpapa impeach sa kanya at tahasan niyang pinagbantaan na kanyang ipakukulong ang sinumang maghahain ng kasong impeachment laban sa kanya.
“Subukan nyo, ipakukulong ko kayo lahat!
Sumingaw ang planong pagpapa impeach sa Pangulo matapos ang pagpayag niya na makapangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Plipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, hindi niya aatrasan ang mga kritikong gustong magpa-impeach sa kanya.
“Impeach ako? Kulungin ko sila lahat,” wika ng Pangulo.
Banta ng Pangulo na tiyak na may kalalagyan ang mga maglalakas-loob na maghain ng reklamo laban sa kanya.
“Takutin nyo ako ng impeachment put…na. Kung may bayag kayo do it! Ipadadala ko kayo sa Beijng,” dagdag pa ng Pangulo.
Iginiit ng Pangulo na hindi niya maaaring ipahamak ang mga sundalo at papuntahin sa West Philippine Sea para makipag-giyera sa China.
“Sabihin ko sa mga sundalo, ipadala ko kayo doon, eh paano ang pamilya nito, put… na… tapos maubos,” pahayag pa ng Pangulo.
Matatandaan na nauna nang sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na impeachable offense ang ginawa ng Pangulo sa pagpayag sa China na makapangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas dahil hindi nito naprotektahan ang soberenya ng Pilipinas.
153