P5.9-B NAKOLEKTA NG BOC MULA SA IMPORTASYON NG BIGAS

bigas22

(Ni NELSON S. BADILLA)

UMABOT sa P5.9 bilyon ang nakolektang taripa ng Bureau of Customs (BOC)mula sa pinalawig na im-portasyon ng bigas.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ito ang inisyal na resulta ng Republic Act 11203 o Rice Liberalization Act na naging batas halos limang buwan na ang nakalilipas.

Ani Dominguez, ang P5.9 bilyon ay mula sa 1.43 milyong metric tons ng i­nangkat na bigas.

Batay sa ulat ni Bureau of Customs (BOC) Rey Leonardo Guerrero kay Dominguez, ang Subic Port ang nakakolekta ng pinakamataas na taripa sa bigas sa halagang P1.37 bilyon.

Pumangalawa ang Port of Manila na P978.51 mil­yon ang nakuha, P942.76 milyon naman sa Manila In-ternational Container Port, P754.13 milyon sa Port of Cagayan de Oro at ang Port of Davao ay nakakolekta ng P703.93 milyon.

Ang RA 11203 ay nagtanggal ng limitasyon ng pag-angkat ng bigas na naglalayong maibsan ang suliranin sa suplay at mataas na presyo ng bigas sa bansa.

Matatandaang mara­ming bumatikos sa mungkahing tanggalin ang limitasyon sa importasyon ng bigas dahil sa pangambang matatalo sa kompetensya ang mga lehitimong negosyante ng bigas sa bansa ka-pag dumagsa ang mga bigas mula sa iba’t ibang bansa.

Nagbabala rin ang ilang samahan ng mga magsasaka na mauuwi sa kartel ang nasabing panukala.

Pinangambahan din nilang posibleng lumala nang husto ang ismagling ng bigas.

Ayon kay Dominguez, ang RA 11203 ay mala­king pakinabang sa mga pamilyang Filipino, sapagkat bababa ang presyo ng mga de-kalidad na bigas, mapipigilan ang mataas na presyo ng mga bilihin at ma-katutulong na maging higit na produktibo ang mga magsasakang Filipino.

190

Related posts

Leave a Comment