(NI NOEL ABUEL)
MAHAHARAP sa kasong administratibo at pagsibak sa trabaho ang sinumang government officials na mapapatunayan illegal na gumagamit ng ambulansya.
Ito ay sa sandaling maipasa ang Senate Bill No. 229, otherwise known as an Act Regulating the Use of Government Ambulances, Providing Penalties Therefore and for Other Purposes na inihain ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na naglalayong parusahan ang sinumang tauhan ng pamahalaan na illegal na gumagamit ng ambulansya sa buong bansa.
Paliwanag ni Dela Rosa, dapat nang matigil ang pagsasamantala ng mga government employees na pera ng taumbayan ang pinagsasamantalahan sa illegal na paggamit ng government ambulance para sa personal na pangangailangan.
Nakarating aniya sa kaalaman nito at may mga reklamo na walang nagagamit na ambulansya sa oras ng emergency dahil sa may mga opisyal na pamahalaan ang gumagamit nito.
“Any government ambulance assigned or donated to local government units shall be under the joint custody of the local chief executive and a health officer. Both shall be jointly liable for any violation committed under the Act,” ayo sa panukala.
Nakasaad din dito na sinumang lalabag sa nasabing batas ay mahaharap sa 30- araw na suspensyon sa trabaho hanggang masibak at pagbawi sa retirement benefits.
154